dzme1530.ph

TINAPYAS NA BUDGET SA FOREIGN ASSISTED PROJECTS SA DAVAO AT CEBU, PINABABALIK

Loading

BINIGYAN-DIIN ni Senador Panfilo Lacson ang pangangailangang ibalik ang P8.1 billion na tinapyas ng Kamara sa panukalang pondo ng dalawang foreign assisted projects ng Department of Transportation.
 
Sa pagtalakay sa panukalang budget sa Senado, tinukoy ni Lacson ang Davao Public Transport Modernization Program na binawasan ng P5.1 billion at ang New Cebu International Container Port na binawasan ng P3 billion.
 
Ipinaliwanag ni Lacson na ang mga proyektong ito ang dapat mapondohan dahil investment para sa pagpapalago ng ekonomiya, kaysa sa mga ayuda program at iba pang proyekto na para lang sa pagpapabida ng mga pulitiko.
 
Bukod dito, kapag hindi naipatupad ang ganung mga proyekto sa Davao at Cebu na foreign assisted o ipinangutang sa ibang bansa, may binabayarang penalty at commitment fees ang gobyerno.
 
Ayon kay Lacson, mula 2024 hanggang 2026, at plano rin sa 2027, pinatapyasan ng kongreso ang budget para sa mga foreign assisted projects at inililipat sa ibang proyekto o programa ang pondo.
 
Sinabi naman ni Senador JV Ejercito, sponsor ng DOTR budget na umabot na sa P1.7 billion ang commitment fees at penalties na binayaran ng gobyerno para sa naantalang foreign assisted projects ng DOTR.

About The Author