dzme1530.ph

SANDIGANBAYAN, INATASAN ANG NBI NA IHARAP SA KORTE ANG CO-ACCUSED NI DATING SPEAKER ROMUALDEZ SA PLUNDER CASE SA DEC. 4

Loading

Inatasan ng Sandiganbayan Third Division ang National Bureau of Investigation (NBI) na dalhin sa korte si Felicito Guevarra, co-accused ni dating Speaker Martin Romualdez sa ₱7.4-billion plunder case, sa Dec. 4, araw ng Biyernes, para sa kanyang arraignment.
 
Ayon kay Clerk of Court Dennis Pulma, nilagdaan ngayong Huwebes ang produce order para sa NBI na dalhin si Guevarra sa korte sa naturang petsa para maisabay sa huling araw ng bail hearing.
 
Sumuko si Guevarra sa NBI noong nakaraang Huwebes matapos hilingin ng state prosecutors na kanselahin ang kanyang passport.
 
Si Guevarra ay presidente ng Samchan Foreign Exchange Corporation, ang kumpanyang umano’y ginamit para ipadaan ang umano’y kickbacks para kay Romualdez.
 
Sa kasalukuyan ay nakaditine ang co-accused ng dating Speaker sa NBI detention facility.

About The Author