![]()
Tinutugis ng PNP ang umano’y online predator na hinihinalang nakaimpluwensya sa 12-year-old na estudyanteng nanaksak sa dalawang schoolmates sa loob ng isang elementary school sa Caloocan City.
Inatasan ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na i-track down ang mga indibidwal na umano’y nakausap ng estudyante sa pamamagitan ng online gaming platform na Roblox at social media app na TikTok.
Sinabi ni Nartatez na ang pagsasamantala sa vulnerability ng mga menor de edad para udyukan silang gumawa ng totoong karahasan ay isang seryosong krimen.
Hindi pa tukoy ng mga imbestigador ang identity ng umano’y online predator o kung ito ba ay nakabase sa Pilipinas o sa ibang bansa.
