![]()
Hiniling ng mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na i-konsidera ang Visayas culture and language sa pag-assess sa pagmumura at umano’y mga pagbabanta nito sa gitna ng kampanya laban sa iligal na droga.
Kabilang sa statements na iniugnay kay Duterte noong panahon ng war on drugs ay ang mga katagang “Papatayin kita.”
Sa expanded section ng kanilang pre-trial filing, tinukoy ng depensa ang “bugalbugal” na inilarawan bilang “familiar Cebuano practice of verbal play involving teasing, mockery and deliberately irreverent humor.”
Sinabi ni Lead Defense Counsel Peter Haynes na ang kahulugan ng bugalbugal ay depende sa shared cultural understanding at sa relasyon sa pagitan ng speaker at audience, kung saan ang mga salita ay tila galit at marahas subalit idinaan sa pagbibiro.
