dzme1530.ph

DESISYON NG ICC NA NAGKUMPIRMA SA KASONG CRIMES AGAINST HUMANITY LABAN KAY FPRRD, NIRERESPETO NG PALASYO

Loading

Nirerespeto ng Malacañang ang naging desisyon ng International Criminal Court o ICC na nagkumpirma sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa inilunsad na kampanya kontra droga.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na hustisya ang kanilang makuha sa kasong ito.
 
Nilinaw naman niya na ang hangad nilang hustisya ay para sa magkabilang panig.
 
Tinukoy niya ang hustisya para sa akusado kung wala siyang sala at hustisya rin sa mga biktima kung naabuso naman ang kanilang mga karapatan.
 
Nagdesisyon ang ICC Pre-Trial Chamber I na kailangang sumalang sa pagdinig si Duterte makaraang kumpirmahin ang kanyang mga kaso.
 
Inatasan din ng chamber ang court registrar na i-transmit ang confirmation of charges at record ng mga pagdinig.

About The Author