![]()
Nanindigan ang House Prosecution Team na walang malinaw na argumento ang kampo ni Vice President Sara Duterte upang pasinungalingan ang ginawang pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni House Prosecution Panel Spokesperson at Cong. Zia Alonto Adiong na naiintindihan niya kung bakit tumutok ang cross-examination ng depensa kay NBI Regional Director Jeremy Lotoc sa technicalities.
Naging malakas aniya ang argumento ng prosekusyon dahil naipakita ang pattern ng pagiging bayolente ni VP Sara sa kanyang mga pahayag.
