![]()
Pinaghahandaan na ni David Licauco ang kanyang future sa labas ng entertainment industry, kasabay ng pag-amin na posibleng i-give up niya ang pag-arte para tutukan ang kanyang business ventures.
Sa interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ni David na batid niyang hindi pangmatagalan ang karera sa showbiz, dahilan para mag-invest siya sa mga negosyo na maaaring magbigay ng financial security.
Inihayag ng actor-entrepreneur na nauunawaan niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng stable source of income habang aktibo pa siya sa showbiz.
Gayunman, binigyang-diin ni David na ang pagpapatakbo ng negosyo ay may sarili ding mga pagsubok, partikular sa lumalaking kompetisyon at tumataas na operating costs.
Sa pamamagitan ng karanasan bilang negosyante, sinabi ng aktor na natutunan niyang maging mas maingat sa pagdedesisyon, lalo na pagdating sa investments at pagharap sa financial risks.
