dzme1530.ph

DALAWANG ITALIANS, NASAWI SA UMANO’Y IRANIAN DRONE ATTACK SA KUWAIT

Loading

Dalawang Italian nationals ang nasawi sa isang Iranian drone attack sa Gulf nation of Kuwait, ayon sa foreign minister ng Italy.

Sinabi ni Italian Foreign Minister Antonio Tajani na tinarget ng iba’t ibang drones ng Iran ang Kuwaiti military installations, kabilang ang air defence detection station kung saan nagtatrabaho ang dalawang Italian technicians mula sa Rome-based defense company na Rheinmetall Italia.

Aniya, nagkaroon ng malakas na pagsabog at base sa reports na nakarating sa kanila mula sa Kuwait, dalawang kababayan nila ang namatay.

Samantala, itinanggi naman ng Tehran ang anumang pagkakasangkot sa insidente.

About The Author