dzme1530.ph

DAVID JONSSON, BAGONG BLACK PANTHER PARA SA UPCOMING MARVEL FILM

Loading

Official nang ipinakilala ng Marvel Studios ang kanilang bagong Black Panther.
 
Gaganap ang British actor na si David Jonsson bilang Black Panther para sa “Black Panther 3” na ipalalabas sa mga sinehan sa Dec. 15, 2028.
 
Ginawa ang announcement sa nagbabalik na director na si Ryan Coogler sa Hall H presentation ng Marvel Studios sa San Diego Comic-Con 2026.
 
Ang original Black Panther ay ginampanan ng namayapang aktor na si Chadwick Boseman sa 2018 blockbuster film.
 
Pumanaw si Chadwick noong Aug. 2020 sa edad na 43 matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa colon cancer.

About The Author