![]()
Tagumpay ang isang 9-year-old Filipino karateka sa kanyang unang international tournament matapos masungkit ang gintong medalya sa 3rd Asian Karate Youth Open Championship and Training Camp sa Hangzhou, China, simula July 22 hanggang 26.
Naiuwi ni Romeo Viktor Enriquez ng Flight Alliance Sports Team (FAST) ISKF, sa ilalim ng paggabay ni national team coach at dating Karate Pilipinas national team captain Engene Dagohoy, ang gintong medalya matapos dominahin ang Under-10 Male Kumite (+40 kg) category.
Kabilang din si Enriquez sa Top 5 ng Under-10 Male Kata.
Nanalo naman ng bronze medal ang kanyang kakampi sa FAST ISKF na si Raphael Mariano Herrera, 13 years old, sa Under-14 Male Kata.
Nagpakitang-gilas din si Ripley Borromeo, 10 years old, matapos makapasok sa Top 5 ng Under-12 Female Kata at Top 7 sa parehong kategorya.
