dzme1530.ph

DATING AIDE NI VP SARA, ITINANGGING TUMANGGAP NG CASH PARA SA BISE PRESIDENTE

Loading

Itinanggi ni dating Davao City Chief Information Officer Jefry Tupas ang pahayag ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. na tumanggap siya ng mga maleta na may lamang pera sa ngalan ni Vice President Sara Duterte.

Naniniwala si Tupas na siya ang tinutukoy ni Gracioso sa affidavit nito dahil siya lang naman ang may palayaw na “Jepoy/Jepoi” sa mga close aide ni Duterte nang mga panahong iyon.

Sa kabila ito ng maling spelling na apelyido nito na “Tupaz” sa halip na “Tupas.”

Sa kanyang affidavit na isinumite sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ni Tupas na puro kathang-isip at pawang kasinungalingan ang mga pahayag at paratang ni Gracioso.

Iginiit niya na kahit kailan ay walang nangyari na may tinanggap siyang maleta ng pera, regalo, o sasakyan para kay Sara Z. Duterte.

About The Author