dzme1530.ph

Dapat may ulong gumulong sa mga palpak na programa sa imprastraktura —Alyansa bets

Loading

Nanindigan ang ilang senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na dapat may ulong gumulong sa mga palpak na programa sa imprastraktura na nagdudulot ng panganib sa ating mga kababayan.

Sa kanilang pagharap sa mga mamamahayag dito sa Pili, Camarines Sur, sinabi ni dating Sen. Panfilo Lacson na maliwanag na may mga pagkukulang sa palpak na infrastructure projects.

Tinukoy ni Lacson ang bumagsak na Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela.

Iginiit ng dating senador na panahon nang may mga taong mapanagot at makulong kasabay ng pagsasabing kadalasan ang nakukulong lamang sa bansa ay ang mga nagnananakaw ng mangga ng kapitbahay pero ang bilyon bilyong binubulsa dahil sa maling implementasyon ng proyekto, nakatawa papuntang bangko.

Sinabi naman ni dating DILG Sec. Benhur Abalos na sa bawat infrastructure projects dapat matiyak na ang mga proyekto ay typhoon proof lalo’t lagi tayong dinaranan ng mga bagyo.

Binigyang-diin naman ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na kadalasan nalilimita sa mga kalsada ang infrastructure projects dahil dito malaki ang kickback.

Kaya naman kapag pinalad anya silang makapasok sa 20th Congress ay asahan na ang sangkaterbang imbestigasyon kaugnay sa mga programa.

About The Author