dzme1530.ph

MALAKIHANG ROLLBACK SA PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO, UMARANGKADA NA

Loading

Umarangkada na ang malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, kaninang ala sais ng umaga.
 
₱24.94 kada litro ang ibinawas ng mga kumpanya ng langis sa presyo diesel habang ₱3.41 sa gasolina.
 
May dalawampisong tapyas din sa kada litro ng kerosene o gaas.
 
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang rollback ngayon ay itinakda ng gobyerno, gaya ng inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Aniya, obligado ang oil companies na tumalima sa minimum at maximum amounts na itatakda ng pamahalaan hinggil sa adjustments sa presyo ng oil products, sa gitna ng state of national energy emergency.

About The Author