dzme1530.ph

RETAIL PRICES NG BIGAS AT ISDA, TUMAAS SA UNANG LIMANG ARAW NG ABRIL; PRESYO NG KARNE, BUMABA

Loading

Tumaas ang retail prices ng bigas at isda noong unang bahagi ng Abril habang bumaba ang presyo ng karne, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
 
Simula April 1 to 5, ang national average ng retail price ng regular-milled rice ay lumobo ng 13.78% o sa 51 pesos and 11 centavos per kilo, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
 
Mas mataas din ito sa 48 pesos and 69 centavos na average sa second phase ng Marso.
 
Tumaas din ng 12.68% ang national average ng galunggong, sa 247 pesos and 48 centavos per kilo sa first phase ng Abril habang bumaba ang retail price ng manok ng 0.61% o sa 212 pesos and 81 centavos per kilo.
 
Nagkaroon din ng 5.75% na pagbaba sa retail price ng kasim na naitala sa 344 pesos and 18 centavos per kilo sa unang limang araw ng Abril kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

About The Author