dzme1530.ph

MANIBELA, MULING NAGKASA NG TATLONG ARAW NA TRANSPORT STRIKE SIMULA NGAYONG MARTES

Loading

Muling nagkasa ng tatlong araw na transport strike ang transport group na Manibela simula ngayong araw hanggang sa Huwebes.
 
Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, hindi pa rin sapat ang ibinawas sa presyo ng diesel para makabangon ang mga tsuper sa epekto ng krisis.
 
Sinabi ni Valbuena na sa kanilang kuwenta, nasa 70 pesos na lamang ang kada litro ng diesel sa world market.
 
Iginiit ni Valbuena na ang ini-rollback sa presyo ay nabayaran na rin ng mga tsuper sa mga nakalipas na linggo.
 
Bukod aniya sa presyo ng diesel, nahihirapan na rin ang mga tsuper sa dagdag gastos sa pagkain na umaabot na ngayon sa 150 hanggang 200 pesos.

About The Author