dzme1530.ph

British foreign minister, bibisita sa bansa para pagtibayin pa ang ugnayan ng Pilipinas at UK

Loading

Darating sa Pilipinas si British Foreign Minister David Lammy MP para sa official visit ngayong araw, upang pagtibayin pa ang partnership sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza, makikipagpulong ang British official kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, pati na sa iba pang opisyal ng pamahalaan, kabilang si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr..

Sa statement, sinabi ni Daza, na ang pagbisita ng British Foreign Minister ay magsisilbi ring oportunidad para sa dalawang bansa na rebyuhin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, gaya ng trade and investments, defense, maritime, climate change and environment, at science and technology.

Magko-courtesy call si Lammy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang araw ng kanyang official visit, at makikipagpulong din sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard at Department of Social Welfare and Development.

About The Author