![]()
Dumarami ang mga naghahanap ng solusyon sa dark spots o maiitim na bahagi ng balat na karaniwang lumalabas sa mukha, kamay, at iba pang bahagi ng katawan.
Ayon sa mga dermatologist, ang dark spots ay kadalasang dulot ng sobrang produksiyon ng melanin na siyang nagbibigay ng kulay sa ating balat.
Ilan sa mga pangunahing sanhi nito ay matagal na pagkabilad sa araw, pimple o acne scars, pagtanda, at hormonal changes tulad ng melasma.
Nakakadagdag din sa paglala ng dark spots ang hindi tamang pag-aalaga sa balat, tulad ng pagpipisil ng tigyawat at kawalan ng proteksiyon laban sa ultraviolet rays.
Upang maiwasan at magamot ang dark spots, mahalaga ang regular na paggamit ng sunscreen na may SPF 30 o mas mataas upang maprotektahan ang balat laban sa araw.
Inirerekomenda rin ang paggamit ng mga skincare products na may sangkap na vitamin C, niacinamide, at retinol na nakakatulong sa pagpapantay ng kulay ng balat.
Sa mga mas matinding kaso, maaari ring sumailalim sa mga dermatological procedures tulad ng chemical peel, laser treatment, at microdermabrasion na isinasagawa ng mga lisensiyadong doktor.
Pinapayuhan naman ang lahat na iwasan ang paggamit ng mga hindi subok na produkto na maaaring makasama sa balat.
Mas mainam pa rin ang pagkonsulta sa dermatologist upang makuha ang angkop na lunas.
