dzme1530.ph

Daluyan ng tubig mula Angat dam patungo sa concessionaires, may tagas! —NWRB

Nilinaw ng National Water Resources Board (NWRB) na mayroong tagas ang daluyan ng tubig mula sa Angat Dam patungo sa mga concessionaire.

Sa gitna ito ng rotational water interruption na ipinatupad ng Maynilad sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr. na base ito sa paliwanag ng water concessionaires.

Binigyang-diin naman ni Sevillo na ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nangangasiwa sa mga tumatagas na linya ng tubig.

About The Author