![]()
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang solar pump irrigation system sa Cagayan upang matulungan ang mga magsasaka sa gitna ng banta ng Super El Niño.
Ang project na nagkakahalaga ng mahigit ₱98.6 million ay matatagpuan sa Barangay Gattu, sa bayan ng Pamplona.
Sinabi ng Pangulo na napapanahon ang launching ng bagong solar pump irrigation system dahil sa banta ng very strong El Niño.
Inaasahang mag-su-supply ng tubig ang hybrid irrigation system sa 602.63 hectares ng palayan sa limang barangay.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang irrigation system ay binubuo ng tatlong solar-powered submersible pump, 384 solar panels, at tatlong electric pumps na magsisilbing back-up kung kinakailangan.
