dzme1530.ph

OMBUDSMAN, BUBUO NG GRUPO NA MAGBABANTAY SA BUDGET AT PAG-AARALAN ANG RULING NG SUPREME COURT SA 2024 AT 2025 GAAs

Loading

Bubuo si Ombudsman Jesus Crispin Remulla ng team na magbabantay sa kasalukuyang budget proceedings at pag-aaralan ang ruling ng Supreme Court na nagdeklarang unconstitutional ang General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2024 at 2025.

Binigyang-diin ni Remulla na sinimulan nila ngayon ang budget watch na hindi naman aniya nangyari noon, sa pamamagitan ng paglikha ng grupo na tututok sa pagbabantay sa budget at sa desisyon ng SC.

Ginawa ng Ombudsman ang pahayag matapos ideklara ng Kataas-taasang Hukuman na unconstitutional ang 2024 at 2025 GAAs bunsod ng insertions na ginawa ng Kongreso, habang pinawalang-bisa rin ang ilang partikular na probisyon sa ilalim ng 2026 GAA.

Nang tanungin kung ang komento ng Korte Suprema patungkol sa authors at implementors ay maaaring humantong sa pagpapapanagot sa Pangulo, binigyang-diin ni Remulla na ang hakbang ay naganap sa loob ng Kongreso.

About The Author