dzme1530.ph

PINOY OLYMPIAN CARLOS YULO, NALAGLAG SA PANG-PITO SA WORLD GYMNASTICS VAULT FINAL

Loading

Nagtapos ang Filipino Olympian na si Carlos Yulo sa ika-pitong puwesto sa vault final ng World Gymnastics Championships sa The Netherlands.
 
Nakapagtala si Yulo ng average score na 13.883, mula sa 13.333 sa kanyang first vault at 14.433 sa pangalawa.
 
Nasungkit naman ni Artur Davtyan ng Armenia ang gold medal sa average score na 14.850, habang ang Filipino-British gymnast na si Jake Jarman ang nakapag-uwi ng silver sa score na 14.650.
 
Ang pambato ng Norway na si Sebastian Sponevik ang kumompleto sa podium, matapos manalo ng bronze sa score na 14.366.

About The Author