dzme1530.ph

Ikalawang pinakamataas na heat index, naitala sa sa Catarman, Northern Samar

Tumindi sa 46°C ang naitalang heat index sa Catarman, Northern Samar, kahapon.

Ito na ang ikalawang pinakamataas na naitalang heat index sa bansa mula pumalo sa 47°C ang heat index sa Butuan City, Agusan Del Norte nitong Marso a-24 at sa San Jose Occidental Mindoro nito namang Marso a-25,

Ayon sa PAGASA, ang naramdamang 46°C heat index sa Samar ay nasa danger category.

Payo ng mga eksperto, upang maiwasan ang mga sakit na maaring makuha dahil sa tindi ng init, bukod sa palagiang pag-inom ng tubig, maghinay-hinay sa pag-inom ng alak, magsuot ng light -colored na damit, at huwag magbilad sa araw.

About The Author