![]()
Posible pa ring lumago ng 3% ang ekonomiya ng bansa ngayong taon kung bababa pa ang global crude oil prices at bibilis ang infrastructure spending.
Ayon kay Economy Secretary Arsenio Balisacan, sa ngayon ay nasa 2.5% na ang inilago ng ekonomiya kaya kailangan pa itong dagdagan ngayong fourth quarter para mailapit hangga’t maaari sa 3%.
Sinabi ni Balisacan na challenging ang pag-abot sa lower end ng 3.5% to 4.5% growth target ng pamahalaan ngayong taon, dahil kailangang lumago ang ekonomiya ng 6% sa fourth quarter.
Nakatakdang magpulong ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa susunod na buwan para rebyuhin ang medium-term macroeconomic assumptions at fiscal program ng gobyerno.
Nag-average ng 2.5% ang Gross Domestic Product (GDP) growth sa unang siyam na buwan ng taon matapos bumagal sa 2.1% noong third quarter.
