dzme1530.ph

Latest News

“No to cha-cha!,” sigaw ng pro-democracy groups sa paggunita sa ika-38 Anibersaryo ng EDSA People Power

Loading

Ginunita ng Pro-democracy groups ang ika-38 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng panawagang itigil ang isinusulong na Charter change (Cha-cha). “No to Cha-cha!” ang sigaw kahapon ng mga grupo na binubuo ng mga magsasaka, manggagawa, guro, at religious organizations. Nagsagawa sila ng demonstrasyon habang bitbit ang kanilang placards, sa harapan ng EDSA […]

“No to cha-cha!,” sigaw ng pro-democracy groups sa paggunita sa ika-38 Anibersaryo ng EDSA People Power Read More »

VP Sara, nanawagan sa mga Pinoy na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA, at manindigan sa tama

Loading

Sa paggunita sa ika-38 Anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution, hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA at manindigan sa kung ano ang tama. Sa pahayag, sinabi ni VP Sara na huwag kalimutan ng mga Pilipino ang mga naging aral ng mapayapang rebolusyon, gaya ng

VP Sara, nanawagan sa mga Pinoy na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA, at manindigan sa tama Read More »

PBBM, pinayuhan ang publiko na maging masigasig sa pagbabasa ng Kasaysayan

Loading

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na maging masigasig sa pagbabasa ng kasaysayan. Sa pagsagot sa isang liham sa kanyang vlog, inihayag ng pangulo na mas mainam na basahin ang lahat sa kasaysayan at huwag ang isang bagay lamang tungkol dito. Ibinahagi rin ni Marcos ang turo ng kanyang Lola, kung

PBBM, pinayuhan ang publiko na maging masigasig sa pagbabasa ng Kasaysayan Read More »

Pinalakas na kampanya kontra Terorismo, ipinangako ng Pangulo

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin pa ng gobyerno ang kampanya laban sa mga teroristang grupo. Ito ay kasabay ng pagbibigay-pugay at pakiki-dalamhati ng Pangulo sa pagkamatay ng anim na sundalo sa engkwentro laban sa Dawlah Islamiyah Group sa Lanao del Norte noong nakaraang linggo. Ayon sa Pangulo, hindi ibabaon sa limot

Pinalakas na kampanya kontra Terorismo, ipinangako ng Pangulo Read More »

“Bigas Biglang Mahal”, sadyang hindi maiiwasan

Loading

Sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tanong kung totoo bang ang kahulugan ng BBM ay “Bigas Biglang Mahal”. Sa pagsagot sa isang liham sa kanyang vlog, inamin ng Pangulo na sadyang hindi maiiwasan ang problema sa pagtaas ng presyo ng bigas sa Pilipinas. Gayunman, iginiit ni Marcos na ito ay idinulot ng “external

“Bigas Biglang Mahal”, sadyang hindi maiiwasan Read More »

Kasunduan para sa mga Muslim OFW, nilagdaan

Loading

Lumagda ang Department of Migrant Workers (DMW) at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa isang Memorandum of Agreement na naglalayong mapalakas ang proteksyon, oportunidad at trabaho para sa mga Muslim OFW na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac at NCMF Officer-in-Charge Yusoph J. Mando ang paglagda

Kasunduan para sa mga Muslim OFW, nilagdaan Read More »

Paulit-ulit na pambubully ng China Sa West PH Sea, nakakasawa na

Loading

Aminado si Senador Christopher “Bong” Go na nakakasawa na ang paulit-ulit na pambubully at panghaharass ng China sa mga mangingisda, sa miyembro ng Philippine Coast Guard, BFAR at maging sa Philippine Navy. Ayon kay Go, halos linggo-linggo na lamang ay nakakarinig siya ng balita sa ginagawang hindi maganda ng China sa ating teritoryo sa West

Paulit-ulit na pambubully ng China Sa West PH Sea, nakakasawa na Read More »

Sen. Hontiveros: senado tiwalang hindi makakabuo ng boto sa Economic Cha-cha

Loading

Naniniwala si Senador Risa Hontiveros na mahihirapang makabuo ng labing walo o three fourths na kinakailangang boto sa Senado ang pagsusulong ng Economic Charter Change bill. Sinabi ni Hontiveros na mukhang mas madali pa nilang mabuo ang pitong boto upang tutulan ang pag-amyenda sa konstitusyon. Bagama’t tumanggi ang senadora kung sinu-sino sa mga kasamahan niya

Sen. Hontiveros: senado tiwalang hindi makakabuo ng boto sa Economic Cha-cha Read More »

Pagpapataas ng reimbursements ng PhilHealth sa mga ospital, inirekomenda sa Pangulo

Loading

Inirekomenda ng Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na taasan ang reimbursements ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga ospital. Sa pulong sa malakanyang, inilatag ng PSAC-Healthcare Sector Group ang tatlong rekomendasyon para sa Philhealth kabilang ang pagtataas ng reimbursement rates at repayment ng payables sa mga pagamutan.

Pagpapataas ng reimbursements ng PhilHealth sa mga ospital, inirekomenda sa Pangulo Read More »