dzme1530.ph

BIR, Tax Refund para sa mga turista, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax refund para sa mga turista na inaprubahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay BIR Commisioner Romeo Lumagui Jr, pinag-aaralan pa ang implementasyon ng tax refund dahil may mga kailangan na balangkasin gaya ng polisiya at regulasyon sa pagpapatupad nito.

Dagdag ng Commisioner na malaki rin ang mawawalang revenue sa ahensya sa pagpapatupad nito pero naniniwala rin sila na may off-setting ito dahil dadami ang magiging turista sa bansa.

Pinag-aaralan din ng ahenya ang Digital Transformation Program na malaking tulong sa mga taxpayer na mapabalis ang transaksyon nila sa BIR.

About The Author