dzme1530.ph

20 patay sa pag-atake ng Jihadist group sa Burkina Faso

Dalawampu’t walo ang nasawi sa panibagong pag-atake ng mga hinihinalang Jihadist sa Burkina Faso kabilang ang labing-lima na dinukot noong weekend.

Ayon kay Regional Colonel Jean-Charles Some, labing-limang katawan na may mga tama ng bala ang nakuha sa Linguekoro Village, Western Province ng Comoe.

Kabilang ang mga ito sa dalawampu’t apat katao na sakay ng dalawang mini buses mula sa Banfora at hinarang sa Linguekoro ng armadong grupo.

Pinakawalan naman ng mga bandido ang walong babae at isang lalaki at inatasang maglakad sila patungong Mangodara.

Samantala, sampung Pulis kabilang ang dalawang miyembro ng Auxiliary Force na sumusuporta sa Army at isang sibilyan ang nasawi rin mula sa terrorist attack sa Falagountou, sa hilagang bahagi ng Burkina Faso.

About The Author