DZME1530

Filipina Tennis Ace Alex Eala, kinapos sa paghaharap nila ni Wimbledon

Bigo ang Filipina Qualifier na si Alex Eala na padapain ang 2022 Wimbledon Semi-finalist na si Tatjana Maria ng Germany sa first-round ng Women’s Tennis Association (WTA) sa WTA Thailand Open sa Hua Hin, Thailand.

Tinalo ng trenta’y singko anyos na si Maria ang 17 anyos na si Eala sa score na 2-6,2-6, na ginanap sa court 1 ng True Arena Hua Hin Sports Club.

Noong weekend ay nakapasok ang Pinay tennis sensation sa WTA Main Draw sa pamamagitan ng pag qualify sa kauna-unahang pagkakataon matapos talunin sina Xinyun Han ng China sa score na 6-1, 7-6, at Kristina Dmitruk ng Belarus sa score na 6-2, 7-5.

Ang Rafa Nadal Academy Scholar mula sa Pilipinas ay Seeded Fourth sa qualifying draw ng Thailand Open, na isang WTA 250 event.

About The Author