dzme1530.ph

BILANG NG MGA PINOY NA NANINIWALANG DAPAT HUMARAP SI VP SARA DUTERTE SA IMPEACHMENT TRIAL, TUMAAS PA

Loading

Tumaas pa ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang dapat humarap si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial sa Senado.
 
Sa pinakahuling tugon ng Masa Survey ng OCTA Research, umakyat sa 74% ang mga Pinoy na nagsabing dapat humarap sa trial ang bise presidente mula sa 69% noong Marso.
 
Sa survey na isinagawa noong April 20 hanggang 24, 21% ng mga respondents ang tutol na humarap ang vice president sa impeachment trial habang 4% ang undecided.
 
Ngayong araw inaasahang maghahain ang bise presidente ng kanyang sagot sa articles of impeachment.
 
Itinakda ng impeachment trial sa July 6 ang pagsisimula ng trial.

About The Author