dzme1530.ph

Barangay Ginebra, pasok na sa semis ng PBA Governor’s Cup makaraang durugin ang NLEX

Pasok na ang Barangay Ginebra San Miguel sa Semifinals ng 2023 PBA Governor’s Cup matapos tambakan ang NLEX Road Warriors sa score na 127-93, sa Quarterfinals ng liga, sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ng Ginebra import na si Justin Brownlee ang Gin Kings sa kanyang score na 31 points, 13 rebounds, at 6 assists habang nag-ambag sina Jamie Malonzo at Christian Standhardinger ng tig-20 puntos.

Bagaman naka-uniporme ay hindi naman pinaglaro ang NLEX import na si Wayne Selden habang kumamada sina Sean Anthony ng 16 points at Kevin Alas ng 14 points para sa Road Warriors.

Makakasagupa ng Ginebra ang San Miguel Beer sa Best of five series.

About The Author