dzme1530.ph

Banta sa buhay ni expelled Cong. Teves, pinasinungalingan ni PBBM

Walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa gitna ng patuloy na pagtatago ni Teves sa labas ng bansa.

Ayon sa Pangulo, wala namang ulat na natatanggap ang pamahalaan ukol sa banta sa buhay ni Teves at iginiit na ang dating mambabatas lang ang natatakot para kanyang sarili.

Una nang sinabi ng Chief Executive na magiging patas ang lahat ng court proceedings kay Teves kung kayat walang dahilan para ito’y matakot.

Matatandaang dalawang beses nang humirit ng political asylum si Teves sa Timor Leste na nahaharap sa mga kasong pagpatay kabilang ang pagpaslang kay Gov. Roel Degamo noong March 2023.

About The Author