![]()
Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Gardo.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Gardo 1,310 kilometers silangan-hilagang-silangan ng extreme northern Luzon.
Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 50 kilometer per hour.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 95 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 115 kilometer per hour.
