dzme1530.ph

Author name: Lea Soriano-Rivera

DA sinuspinde ang import clearance para sa alumahan at galunggong; imbestigasyon sa misuse ng permits, isinagawa

Loading

Sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) para sa importasyon ng alumahan at galunggong. Layunin ng hakbang na bigyang-daan ang imbestigasyon ng ahensya hinggil sa umano’y maling paggamit ng import permits. Binigyang-diin ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na ang misdeclaration ng fish products ay taliwas […]

DA sinuspinde ang import clearance para sa alumahan at galunggong; imbestigasyon sa misuse ng permits, isinagawa Read More »

Labing-isa pang Pinoy seafarers mula sa MV Magic Seas, balik-Pilipinas na rin

Loading

Nakauwi na sa bansa ang natitirang labing-isang Filipino seafarers ng MV Magic Seas, na siyang kumumpleto sa repatriation ng lahat ng labimpitong Pinoy na lulan ng barkong inatake ng Houthi rebels sa Red Sea. Binigyan sila ng health checks at training vouchers mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nang dumating sila sa

Labing-isa pang Pinoy seafarers mula sa MV Magic Seas, balik-Pilipinas na rin Read More »

Forensic expert, pinayuhan ang mga awtoridad na ingatan ang mga narerekober na ebidensya sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Loading

Pinaalalahanan ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ang mga awtoridad na ingatan ang mga narekober na sako at mga laman nito, sa gitna ng search operations para sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake. Ginawa ni Fortun ang pahayag matapos niyang mapansin na isang sako ang binuksan at ikinalat ang laman nito sa lupa. Inamin

Forensic expert, pinayuhan ang mga awtoridad na ingatan ang mga narerekober na ebidensya sa kaso ng mga nawawalang sabungero Read More »

Mga sakong narekober mula sa Taal Lake, hindi “planted,” ayon sa PCG

Loading

Pinabulaanan ng Philippine Coast Guard (PCG) na “planted” ang mga sakong narekober mula sa Taal Lake. Sinabi ni PCG spokesperson Noemi Cayabyab na ang isinasagawang diving operations para sa paghahanap sa mga labi ng nawawalang sabungero ay lehitimo at bahagi ng pormal na imbestigasyon. Binigyang-diin ng opisyal na ang layunin ng bawat diving operations ay

Mga sakong narekober mula sa Taal Lake, hindi “planted,” ayon sa PCG Read More »

Trabaho sa gun factory sa Marikina, pansamantalang ipinatigil ng DOLE kasunod ng pagsabog

Loading

Ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang pagpahinto sa trabaho sa firearm manufacturing facility kasunod ng malagim na pagsabog. Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na naglabas si DOLE-National Capital Region Director Sarah Mirasol ng Work Stoppage Order (WSO) sa isang unit ng pasilidad ng Armscor Global Defense Inc. upang matiyak ang

Trabaho sa gun factory sa Marikina, pansamantalang ipinatigil ng DOLE kasunod ng pagsabog Read More »

Sako na naglalaman ng mga buto, narekober sa search and retrieval operations para sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake

Loading

Isang sako na naglalaman ng mga buto ang narekober ng mga awtoridad sa gitna ng paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake sa Batangas. Natagpuan ang kulay puting sako na naglalaman ng tila sinunog na mga buto ng tao sa gilid ng Taal Lake na sakop ng bayan ng Laurel. Ayon

Sako na naglalaman ng mga buto, narekober sa search and retrieval operations para sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake Read More »

NBN-ZTE whistleblower na si Jun Lozada, nakalaya na mula sa Bilibid

Loading

Kumpirmado ng Bureau of Corrections (BuCor) na nakalaya na mula sa New Bilibid Prison si Rodolfo Noel “Jun” Lozada, whistleblower sa NBN-ZTE deal. Mayo 9 pa nang makalaya si Lozada at ang kaniyang kapatid na si Jose Orlando matapos mapagsilbihan ang kanilang minimum sentence. Taong 2007 nang akusahan sila ng Ombudsman ng partiality at pagbibigay

NBN-ZTE whistleblower na si Jun Lozada, nakalaya na mula sa Bilibid Read More »

Voter registration para sa barangay at SK elections, magpapatuloy sa Agosto – COMELEC

Loading

Magpapatuloy ang voter registration mula Agosto 1 hanggang 10 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na itinakda sa Disyembre. Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, layunin nito na makaboto ang mga kabataang edad 15 hanggang 17 kung matutuloy ang halalan sa Disyembre 1. Hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang

Voter registration para sa barangay at SK elections, magpapatuloy sa Agosto – COMELEC Read More »

15,000 reklamo laban sa online lending applications, inihain sa PAOCC

Loading

Umabot sa 15,000 reklamo ang inihain laban sa mapang-abusong online lending applications sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Karamihan sa mga biktima ay nakaranas umano ng matinding harassment at mental torture matapos mahirapang magbayad ng kanilang utang. Tiniyak ni PAOCC Executive Director, Usec. Gilbert Cruz, na pinaigting ng pamahalaan ang mga hakbang laban sa online

15,000 reklamo laban sa online lending applications, inihain sa PAOCC Read More »