![]()
SA PAG-ARANGKADA ng paglilitis sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, inihalal ng 20 senator-judges si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero bilang presiding officer.
Sinubukan pang harangin ni Senador Alan Peter Cayetano ang botohan sa paggiit na si Senate President Sherwin Gatchalian ang dapat na magsilbing presiding officer.
Ipinaliwanag ni Cayetano na hindi katanggap-tanggap ang pag-amyenda ng Senado sa rules of impeachment na ginawa nilang sesyon noong June 3 dahil kinukuwestiyon ang quorum ng araw na iyon.
Binigyang-diin naman ni Gatchalian na ang pagbabagong kanilang ginawa sa rules of impeachment court ay nakabatay sa Konstitusyon at kung kukuwestiyunin aniya ito ay dapat gawin ito sa Senado bilang legislative body.
Sa kabila ng naging pagtutol ni Cayetano ay nagbotohan ang Impeachment Court para sa pagluklok kay Escudero bilang presiding officer batay sa mosyon ni Senador Panfilo Lacson.
Sa botong 12-8, inaprubahan ng Impeachment Court ang mosyon na si Escudero na ang presiding officer.
