dzme1530.ph

KALINGA BILL, TINAWAG NA “CRISIS PREVENTION AND PREPARATION”

Loading

Tinawag ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang Kalinga Bill bilang “crisis prevention and preparation” bilang depensa sa fuel-driven shocks.

Sa mensahe nito sa pagdinig ng House Ad Hoc Committee on Legislative Energy Action and Dev’t (LEAD), ang pinaka-magandang solusyon sa tuwing may krisis ay ang pagiging handa, dahil sa panahon ng krisis, tama lang na tumugon ang pamahalaan.

Ang Kalinga o Komprehensibong Alalay sa Livelihood, Inflation, Negosyo at Goods Assistance ay whole-of-gov’t emergency response framework.

Ayon kay Dy, sa ganitong mekanismo kung ganap na maging batas, hindi na kailangang lumala muna ang sitwasyon bago kumilos ang gobyerno.

Kapag may malinaw na trigger points, may nakahanda nang mga dapat gawin ang pamahalaan at maayos na koordinasyon.

Ang maganda pa sa Kalinga program, sabay-sabay at magkakaugnay ang pagtugon mula sa fuel stabilization, hanggang sa targeted assistance, suporta sa MSMEs, at pagpapatatag ng supply chains.

About The Author