dzme1530.ph

SEN. RODANTE MARCOLETA, INARESTO SA KASONG PLUNDER

Loading

Inaresto na ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group si Senador Rodante Marcoleta dahil sa kanyang kasong plunder sa pagtanggap ng kabuuang 75 million pesos na campaign donations.

Ito ay nang maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan 3rd Division laban kay Marcoleta, gayundin laban kay dating Cong. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.

Sa panig ng abogado ni Marcoleta, nanindigan siyang sumuko ang kanyang kliyente sa Sandiganbayan bilang act of good faith.

Bago ang pag-aresto, nagtungo ang senador sa Sandiganbayan upang dumalo sa pagdinig sa dalawang mosyon na kanilang inihain kaugnay sa kasong plunder.

Nakatakda namang i-commit ang senador sa Quezon City Jail sa Payatas kung saan nakadetine sina Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.

About The Author