![]()
Sinuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang disconnection ng residential at non-residential customers na hindi makapagbabayad ng kanilang electric bills simula Mayo hanggang Hulyo.
Ayon sa ERC, papayagan din ang flexible payment options o installment payment na hanggang tatlong buwan para sa mga kumokonsumo ng hindi lagpas sa 200 kilowatts per hour kada buwan.
Inihayag din ng komisyon na ang bayad para sa distribution utilities para sa hanggang tatlong buwan ay ibabahagi sa energy power generators upang maibsan ang pasanin sa mataas na singil sa kuryente na dulot ng kaguluhan sa Middle East.
