dzme1530.ph

SEN. ESTRADA AT VILLANUEVA, WALANG DAPAT IKABAHALA SA REKOMENDASYONG CASE BUILD UP LABAN SA KANILA SA FLOOD CONTROL ANOMALIES

Loading

HINDI nababahala sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Joel Villanueva sa rekomendasyon ni Senador Panfilo Lacson na magsagawa ng case build up laban sa kanila kaugnay sa pagkakasangkot sa mga anomalya sa flood control projects.
 
Sinabi ni Estrada na hindi damaging o nakakasira sa kanya ang rekomendasyon.
 
Ipinaliwanag niyang wala silang partisipasyon at impluwensya sa pag-award ng mga proyekto.
 
Wala rin anya siyang sama ng loob kay Lacson subalit nanghihinayang siyang hindi ito nagpainterpellate dahil nais niyang itanong kung sino ang tunay na mastermind ng mga anomalya at kung sapat na ang isinauling pera ng ilang DPWH officials upang maging state witnesses.
 
Sa panig ni Villanueva, sinabi niyang wala siyang dapat ikabahala dahil nasa panig niya ang katotohanan.
 
Katunuyan anya hanggang ngayon ay wala pa ring isinasampang kaso laban sa kanya sa kabilang ng mga akusasyon.

About The Author