dzme1530.ph

NON-ESSENTIAL TRAVEL MALAPIT SA MAYON VOLCANO, SINUSPINDE NG DOT

Loading

Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang non-essential travel sa mga lugar na nasa paligid ng Mayon Volcano sa gitna ng pag-aalboroto ng bulkan.

Pinayuhan ng ahensya ang mga biyahero na manatiling mapagbantay at i-reconfirm ang kanilang bookings bago tumuloy sa kanilang biyahe.

Hinimok din ang mga biyahero na maniwala lamang sa official advisories na inilabas ng PHIVOLCS, concerned local government units, at DOT.

Ang suspensyon ay bunsod ng sunod-sunod na aktibidad ng Bulkang Mayon na nagdulot ng ash fall sa iba’t ibang bahagi ng Albay.

About The Author