dzme1530.ph

ASEAN AT CHINA, ISINASAPINAL NA ANG ‘DEFINITION OF TERMS’; COC, 85%-90% NG KUMPLETO, AYON KAY PANGULONG MARCOS JR.

Loading

Isinasapinal na ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China ang “definition of terms” sa South China Sea Code of Conduct (COC), matapos mabigo ang negosasyon na matapos ito sa ilalim ng chairmanship ng Pilipinas.
 
Sa press briefing kasunod ng pagsasara ng ASEAN Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon pang terms na kailangang maplantsa ng mga partido.
 
Umabot naman, aniya, sa 85%-90% ang negosasyon sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN.
 
Una nang inilarawan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na 80% complete na ang COC, at inaasahang matatapos ito sa chairmanship ng Singapore sa ASEAN sa susunod na taon.

About The Author