![]()
Naniniwala si dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Atty. Kim Henares na mali ang naging aksyon ng liderato ng BIR nang dalhin sa Kamara ang tax documents ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni Henares na tama ang naging interpretasyon sa batas ni BIR Commissioner Charlito Mendoza na hindi maaaring isapubliko ang dokumento. Mali rin anya ang naging aksyon ng House Committee on Justice nang igiit na hindi na nila isasauli ang mga dokumento.
Ipinapaalala ni Henares na may batas ang bansa na dapat sundin na ginawa ng Kongreso kaya’t sila ang dapat unang sumusunod dito.
