![]()
54 Chinese vessels ang namonitor sa iba’t ibang features sa West Philippine Sea simula Oct. 20 hanggang 26.
Sa update, sinabi ni AFP spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na kabilang sa mga barkong namataan ay mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG).
Naispatan ang Chinese vessels sa Ayungin Shoal, Bajo de Masinloc, Escoda Shoal, at Pag-asa Island.
Ayon sa AFP, mas marami ang namataang barko ng Tsina noong nakaraang linggo kumpara sa tatlumpu’t isa na naitala simula Oct. 13 hanggang 19.
