dzme1530.ph

Alice Guo, nakitaan ng suspicious infection sa baga; ex-Mayor, isinama sa ibang PDL na may TB

Opisyal ng naiturn-over kaninang umaga ang kustodiya ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula Custodial Center sa Kampo Krame patungo ng Pasig City Jail.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, naihatid at naisagawa ang official turn over ng kustodiya ni Guo sa pagitan ng Pasig City Jail at Philippine National Police kaninang 9:33 ng umaga.

Aniya, bagaman nagkaroon ng medical examination noong Biyernes kung saan maayos ang kalagayan ng sinibak na alkalde, dumaan pa rin kanina sa isa pang medical examination si Guo kung saan nakitaan ito ng impeksiyon sa kanyang kaliwang baga.

Sinabi rin ni Fajardo, na mayroong ubo at sipon si Guo nitong nakalipas na weekend at patuloy pang inaalam kung papaano nakuha ng dating alkalde ang sakit.

Samantala, isinama sa 10 square meter na selda si Guo kasama ang 3 pang ibang PDL na may tubercolosis.

Pinapaubaya naman na ng PNP sa BJMP ang proseso sa magiging gamutan ni Guo. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author