dzme1530.ph

Mga rehistradong sim sa bansa, pumalo na sa 99.2-M

Pumalo na sa 99.2-M ang bilang ng mga rehistradong sim numbers sa bansa sa ilalim ng mandatory sim registration.

Sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT), hanggang noong Hunyo a-13 ay nasa 99,289,484 na ang registered sims.

46.9-M dito ay Smart subscribers, 45.5-M sa Globe, at 6.8-M sa DITO telco.

Patuloy na hinihikayat ng DICT ang publiko na magpa-rehistro na ng sim bago matapos ang extended deadline sa July 25.

Ang mga hindi maire-rehistrong sim ay awtomatikong made-deactivate. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author