dzme1530.ph

Ricci Rivero at Andrea Brillantes, break na!

Kinumpirma ni Ricci Rivero na break na sila ni Andrea Brillantes.

Sa Twitter, hiniling ng basketball player sa kanilang fans na irespeto ang kanilang desisyon upang mapanatili kung anuman ang natitira sa kanilang pagkakaibigan.

Humingi rin ng paumanhin si Ricci kung na-disappoint ang kanilang fans at para sa peace of mind ng lahat ay hayaan sana sila na mag-heal at mag-move on nang mapayapa, at walang galit at sakit.

Inamin din nito ang pagkakamali na hindi isinapubliko ang kanyang relationship status dahil wala naman aniyang dahilan para dagdagan pa kung ano ang mga pinagdadaanan nila ng aktres.

Matatandaang April 2022 nang hilingin ni Ricci sa harap ng publiko na maging girlfriend si Andrea sa isang basketball game. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author