dzme1530.ph

Ilang lugar sa NCR, Rizal, nakararanas pa rin ng water outage

Patuloy pa ring makararanas ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at Rizal.

Sa abiso ng Manila Water, apektado ng water service interruption ang quezon City, Marikina City, San Juan; Taytay, Rizal; At Cainta, Rizal alas-10:00 mamayang gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw bukas, June 9.

Nanawagan naman ang water concessionaire sa kanilang mga customer na panatilihin ang pag-iimbak ng tubig.

Nabatid na ang pagkaantala sa suplay ng tubig ay dahil sa isinasagawang line-related maintenance ng Manila Water. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author