dzme1530.ph

PCG, PAF, dumalo sa pulong ng CANSEC

Dumalo sa isang pagtitipon ang ilang matataas na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamumuno ni CG Admiral Artemio Abu at ni Philippine Air Force (PAF) Major General Araus Robert Musico.

Mainit na sinalubong ni Philippine Ambassador to Canada Maria Andrelita Austria ang mga delegado ng Pilipinas na dumalo sa Global Defense and Security Trade Show ng Canada, CANSEC, sa Mindanao hall ng Philippine Embassy.

Sa courtesy call, nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ni Ambassador Austria at ng mga delegado ng Pilipinas sa posibleng pagsasanib-pwersa ng Pilipinas at Canada sa larangan ng maritime defense at security sa pamamagitan ng exchange of visits at capacity-building programs.

Ang delegasyon ay kinilala rin ng mga kinatawan mula sa embahada ng Canada sa Pilipinas at ng Canadian Commercial Corporation sa mga aktibidad ng CANSEC.

Layunin nito na ipakita ang teknolohiya ng Canada para sa land-based, naval, aerospace at joint forces military units.

Nagbibigay din ito ng pagkakataon sa networking at pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng military, gobyerno at iba pang international delegates.

Ang CANSEC ay isang asosasyon na inorganisa ng Canadian Association of Defense and Security Industries na binubuo ng Canadian defense, security at cybersecurity company. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author