dzme1530.ph

155 Examinees na kumuha ng Environmental Planners Professional Examination noong Abril, hindi nakapasa —PRC result

Idineklara ng PRC Board, na walang kahit isa na nakapasa katatapos lamang na Environmental Planners Professional Examination na ginawa noong Abril 22-23 ng taong kasalukuyang taon.

Naka base ito sa inilabas na resulta ng Philippine Regulatory Commission (PRC), kung saan nabigo ang nasa 155 na mga Examinees na maipasa, ang naturang pagsusulit.

Walong areas of specialization ang inilatag ng PRC sa naturang Licensure Examination.

Ang mga Examinees ay kinailangan na tumugon sa Environmental Subjects, Procurement Subjects, Disaster Risk Reduction, Land Use, at Statistics, kung saan pinayagan silang gumamit ng scientific calculator para sa problem solving, Engineering at Architecture subjects.

Isa sa mga tinitingnan ng PRC na problema kung bakit walang nakapasa, ay dahil sa mahirap na pagsusulit at dagdag pa dito ang kakaunti na mga accredited schools, na nag- offer ng naturang kurso.

Matatandan na Noong 2011, isa lamang ang nakakuha o nakapasa sa nasabing kurso o professional examination sa 151 na mga kumuha ng pagsusulit. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author