dzme1530.ph

Eat Bulaga, kumalas na sa TAPE Inc.

Nagpaalam na ang longest-running noontime show na Eat Bulaga sa Television and Production Exponent (TAPE) Inc.

Sa episode ngayong Miyerkules, inanunsyo ng main hosts na sina Tito, Vic, and Joey na bumitaw na ang show sa TAPE.

Pinasalamatan ni Tito ang kanilang mga masugid na tagasubaybay, dabarkads, at broadcast networks na nagsahimpapawid ng kanilang programa sa nakalipas na 44 na taon.

Nagpasalamat din si Vic at inanunsyo na ang kanilang show ay wala na sa ilalim ng TAPE Inc., subalit tuloy pa rin aniya ang “saya ng isang libo’t isang tuwa.”

Matipid na “salamat po” naman ang binitawan ni Joey. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author