dzme1530.ph

LizQuen, hiwalay na nga ba?

Naghiwalay na ang real life couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Ito ang ibinunyag ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel.

Kwento ni Ogie, nag-ugat ang hiwalayan sa naging statement ng aktres kung saan “never” niyang binanggit si Enrique Gil.

Isa rin umano sa mga dahilan ay ang pagtutol ni Liza sa konsepto ng love team sa Pinas na pangita aniya na hindi niya ipinagmamalaki ang boyfriend.

Napansin din umano ng netizens ang hindi pagbati ni Liza kay Quen noong siya ay nagdiwang ng kaarawan noong Marso.

Bagamat hindi makumpirma ni Ogie kung pareho nilang gusto ang break-up, ang nakarating daw sa kanya ay sinubukan pa ni Quen na ayusin ang relasyon pero mas pinili aniya ni Liza na mag-focus muna sa kanyang career.

Gayunman umaasa pa rin si Ogie na maaayos pa ng dalawa ang kanilang relasyon dahil sayang naman aniya ang kanilang 8-year relastionship. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author