dzme1530.ph

SINAG, sinopla ang pahayag ng DA kaugnay sa SRP ng sibuyas

Tinutulan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pahayag ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na ang pagpapatupad ng P150 suggested retail price (SRP) para sa pulang sibuyas at P140 para sa puting sibuyas ay dapat isang internal arrangement.

Ito ay matapos hindi pirmahan ng isang mataas na opisyal ng DA ang draft memorandum order kaugnay dito.

Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, isang stakeholders meeting ang nangyare, hindi internal at ito ay para sa publiko.

Mga kartel lamang aniya at traders ang makikinabang sa delay ng implementasyon ng SRP sa sibuyas.

Iginiit ni Cainglet na kung hindi ipatutupad ng DA ang SRP, dapat man lang ay mag-alok ito ng panibagong pamamaraan para mapababa ang retail price ng mga sibuyas. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author